“Pork” insertion sa 2020 national budget ivi-veto ni Pangulong Duterte

Inquirer File Photo

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang si Senador Panfilo Lacson sa umano’y pork insertion sa 2020 national budget.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, tiyak na ivi-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang probinsyon sa pambansang pondo na hindi naayon sa konstitusyon.

Sinabi pa ni Panelo na hindi mababago ang polisiya ni Pangulong Duterte na hindi makasisingit ang pork budget.

Matatatandaan na aabot sa 95 bilyong pisong pork budget na nakasingit sa 2019 budget ang ivineto ni Pangulong Duterte.

Read more...