Chinese looking divers sa Bicol at Caraga regions maaring naghahanap ng mga floating cocaine

By Chona Yu December 12, 2019 - 02:54 PM

Kuha ni Chona Yu

Mahigpit nang binabantayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga Chinese looking divers na nasa karagatan ng Bicol at Caraga regions.

Sa Pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni PDEA director general Aaron Aquino na ito ay dahil sa posibilidad na tinutunton ang mga nagkalat na floating cocaine sa bansa.

Nakagugulat ayon kay Aquino na biglang dumami ang ga Chinese looking divers sa Bicol at Caraga regions gayung hindi namang kilalang diving spots ang dalawang lugar.

Sinabi pa ni Aquino na may ginagawa nang imbestigasyon ngayon ang PDEA sa posibilidad na cover-up lamang ang diving.

Matatandaan na ilang bungkos ng cocaine ang nakitang palutang lutang sa karagatan ng Dinagat Islands at Bicol region.

TAGS: Bicol at Caraga regions, Chinese looking divers, cover-up, Dinagat Islands, diving, floating cocaine, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bicol at Caraga regions, Chinese looking divers, cover-up, Dinagat Islands, diving, floating cocaine, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.