Biyahe ng LRT-1 muling nagka-aberya
By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2019 - 10:49 AM
Muling nakaranas ng aberya sa biyahe ng Light Rail Transit – 1.
Alas 9:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 12, sinabi ng LRT-1 na mayroong tecnical issues sa southbound portion ng EDSA station.
Kinailangang magpatipad ng 15-kilometers per hour na speed limit.
Alas 9:16 ng umaga nang maging normal ang andar ng mga tren.
Pero pinayuhan pa rin ang mga pasahero na magdagdag ng oras sa biyahe dahil maaring nagdulot ng build-up sa pasahero ang nangyaring aberya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.