4 na kulektor ng ilegal na STL arestado sa Lucena City

By Dominguez-Cargullo December 12, 2019 - 09:57 AM

Inaresto ng mga otoridad ang apat na kulektor sa ilegal na operasyon ng small town lottery o STL.

Ang apat na “bookies” ay nadakip sa ikinasang operasyon sa Lucena City, Miyerkules (Dec. 11) ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Carlos Maximo, Cleofe Padilla, Aireen Hermoso at Nholan Padilla.

Naaktuhan sila habang kumukulekta ng at nagbibilang ng pera sa Barangay Ilayang Iyam.

Ayon kay Colonel Audie Madrideo, Quezon police director, nakumpiska sa mga suspek ang STL bet collection forms, claculators, at mga perang taya.

Nabigo ang apat na makapagpakita ng ID na magpapatunay na sila ay mula sa Pirouette Gaming Corp., na natatanging licensed STL operator sa lalawigan.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9287 (An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Game, Amending Certain Provision of Presidential Act 1602 and for Other Purposes).

 

TAGS: bet collectors, Lucena City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer Dona, STL, tagalog news website, Taglog Breaking news, bet collectors, Lucena City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer Dona, STL, tagalog news website, Taglog Breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.