Peace talks sa CPP posibleng umpisahan muli sa Enero

Maaring umpisahan muli sa Enero ang peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III na dati ring chief negotiator, sa susunod na buwan mag-re-resume ang peace talks sa komunistang rebelde.

Kinumpirma din ni Bello na pumayag si CPP founder Joma Sison na magkaroon ng “face to face meeting” kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa naman napagkakasunduan ng gobyerno at ng CPP kung saan ang magiging venue ng negosasyon.

Sinabi ni Bello na kung magiging maayos ang proseso, maaring sa second week o third week ng Enero mangyari ang pornal na resumption ng peace talks.

Read more...