Ito ang naging pahayag ng Malakanyang matapos tanghalin na overall Champion ang Pilipinas sa katatapos na 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, record breaking ang Pilipinas matapos makasungkit ng 149 gintong medalya.
Sa kabuuan, nakakuha ang Pilipinas ng 385 na medalya.
Ayon kay Panelo, habang ipinapasa ng Pilipinas ang pagho-host ng SEA Games sa Vietnam, kinikilala ng palasyo ang mataas na emosyon, broken records, dugo, paeis at luha na ibinuhos ng mga atleta at ng kanilang mga coaches.
Pero hindi lang aniya ang delegado ng Pilipinas ang binabati ng Malakanyang kundi maging ang lahat atleta at support staff na nakilahok sa SEA Games.
Kahanga-hanga aniya ang ginawa ng mga atleta at support staff dahil sa pagbibigay ng karangalan na maipagmamamalaki sa kani-kanilang bansa.
Ayon kay Panelo, ang presensya lamang ng mga atleta sa SEA Games ay katumbas na ng panalo.
Nasaksihan din aniya ng taong bayan ang maayos na ugnayan, camaraderie at sportsmanship ng mga bansang kasapi sa South East Asia.
Masaya aniya ang palasyo dahil hindi lamang ang medalya ang maiuuwi ng mga atleta at supprot satff sa kani-kanilang mga bansa kundi maging ang mga hindi malilimutang ala-ala na nabuo habang ginaganap ang patimpalak.
Tama aniya ang campaign slogan ng SEA Games ngayong taon na We Win As One.