Death toll sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand umakyat na sa 16

(UPDATE) Umakyat na sa labinganim ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand.

Kinumpirma ng mga otoridad na dalawa pang biktima ang nasawi habang ginagamot sa ospital.

Mayroon pang mga bangkay ang hindi pa nakukuha sa isla dahil hindi pa ligtas na i-retrieve sila ng mga otoridad.

Habang dalawampu’t walo pa ang nasa pagamutan at dalawampu’t tatlo sa kanila ang kritikal ang kondisyon.

Popular sa mga turista ang bulkan sa White Island nang ito ay biglang pumutok nooong Lunes.

Mayroong 47 katao na nasa White Island nang pumutok ang bulkan. 24 sa kanila ay mula sa Australia, 9 mula sa United States, 5 mula sa New Zealand, 4 mula sa Germany, at tig-2 galing China at Britain at 1 ang galing Malaysia.

Read more...