Nagpatupad ng balasahan si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa araw ng Miyerkules bilang bahagi ng reporma sa pambansang pulisya.
Ayon sa pahayag ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, itinalaga ni Gamboa si Brig. Gen. Manuel Abu bilang bagong director ng Headquarters Support Service.
Si Abu na mula sa Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989 ay dating deputy director ng PNP Special Action Force at nakapanilbihan din bilang executive officer ng Directorate for Police Community Relations.
Bilang bagong pinuno ng HSS, magpapatupad si Abu ng mga polisiya sa pang-arawang mga gawain sa PNP Headquarters alinsunod sa misyon at trabaho ng PNP.
Itinalaga naman bilang bagong Deputy Director ng PNP Civil Security Group si Brig. Gen. Elmedio Tagra.
Si Tagra na mula sa Philippine National Police Academy Class of 1988 ay dating PNP Directorate for Intelligence.
Narito naman ang iba pang senior officials na nabigyan ng bagong mga trabaho:
– PCol Benjamin C. Acorda (PMA Class of 1991) – Acting Executive Officer, Directorate for Intelligence
– PCol Luisito P Magnaye (PMA Class of 1991) – Acting Deputy Director, PNP Special Action Force
– PCol Rommel Francisco D. Marbil (PMA Class of 1991) – Chief of Staff, Civil Security Group
– PCol Ronaldo R. Cabral (PNPA Class of 1992) – Acting Deputy Regional Director for Operation, Police Regional Office 10
– Police Colonel Ferdinand A. Sifuentes (PNPA Class of 1990) — Acting Deputy Regional Director for Administration of Police Regional Office 10, epektibo simula December 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.