Ampatuan, Maguindanao municipal treasurer at asawa, sugatan sa pananambang

By Rhommel Balasbas December 12, 2019 - 02:49 AM

Courtesy of Aries Abdul Khan

Sugatan ang municipal treasurer ng Ampatuan, Maguindanao at kanyang asawa matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa highway sa Brgy. Bagan, Guindulungan sa lalawigan pa rin ng Maguindanao, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Guindulungan Police, nakilala ang municipal treasurer na si Roshel Kuit at ang kanyang asawa na si Jeric.

Sakay ang dalawa ng itim na SUV nang pagbabarilin sa Cotabato-Isulan Highway.

Ayon sa mga kaanak, patungong Ampatuan ang mga biktima mula sa Cotabato nang maganap ang pag-atake.

Isinugod sa Maguindanao Provincial Hospital ang dalawa ngunit inilipat din kalaunan sa isang ospital sa Tacurong City.

Nasa kritikal na kondisyon ngayon si Roshel ayon sa mga kaanak.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa paggawa ng krimen.

TAGS: ambush, ampatuan, Guindulungan, in critical condition, maguindanao, municipal treasurer, ambush, ampatuan, Guindulungan, in critical condition, maguindanao, municipal treasurer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.