LOOK: Huling ‘full moon’ ng 2019 nagliwanag sa kalangitan
Nagbigay liwanag sa kalangitan ang buwan ngayong Disyembre 12 na huling ‘full moon’ na ngayong taon.
Naging 100 porsyentong buo ang buwan pagpatak ng alas-12:12 ng madaling-araw sa Silangang bahagi ng mundo.
Marami ang tawag sa full moon ngayong buwan kabilang na ang ‘Long Night’s Moon’ at ‘Full Cold Moon’.
Ang mga ganitong bansag sa buwan ay bunsod ng haba ng gabi at malamig na panagon tuwing Disyembre na bahagi na ng winter months.
Gayunman, opisyal pa lang na magsisimula ang winter sa northern hemisphere sa Winter Soltice sa Sabado, December 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.