U.S East Coast pinaghahanda na sa pananalasa ng winter storm

By Den Macaranas January 23, 2016 - 04:57 PM

NY snow
AFP photo

Inalerto na ng National Weather Service ng U.S ang halos ay kabuuan ng East Coast na tahanan ng may 85-Million katao dahil sa matinding snow storm na kanilang inaasahan sa mga susunod na oras.

Suspendido na rin ang mga lipad ng eroplano sa Philadelpia dahil sa blizzard.

Sa ulat ng kanilang weather bureau, inaasahang mula 18 hanggang 40 inches ng snow ang inaasahang bubuhos sa mga susunod na oras.

Apektado dito ang mga estado ng Washington, Virginia, Kentucky, Pennsylvania, Maryland, North Carolina, New Jersey at New York.

Ipinag-utos na rin ni U.S President Barrack Obama ang mabilis na paglilikas sa mga walang tirahan sa nabanggit na mga lugar.

Kanina ay nakapag-ulat na ang Virginia State Police ng kabuuang 989 car accidents dahil sa blizzard o makapal na buhos ng snow.

Sa mga susunod na oras ay inaasahang magsasara ang mga airports sa nasabing mga lugar dahil sa matinding yelo at lamig ng panahon.

Pinagsabihan na rin ang mga tao sa mga apektadong lugar sa pamamagitan ng mga social media na manatili sa loob ng kanilang mga bahay dahils a inaasahang pananalasa ng intense blizzard sa mga susunod na oras.

 

TAGS: blizzard East Coast, snow storm, U.S, blizzard East Coast, snow storm, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.