Ilang kalsada sa Taguig, isasara para sa MMFF Parade of Stars sa Linggo (Dec. 22)

Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang ilang pangunahing kalsada sa Taguig City sa araw ng Linggo, December 22.

Ito ay dahil maaapektuhan ang mga kalsada ng Metro Manila Film Festival’s (MMFF)’s Parade of Stars.

Pangungunahan ang parada ng pamahalaang lokal ng Taguig.

Narito ang mga apektadong kalsada:
– ML Quezon (mula Dr. A. Santos hanggang MRT)
– MRT (mula M.L Quezon hanggang Cuasay)
– Cuasay (mula MRT hanggang C-5)
– C-5 Service Road cor. Cayetano Boulevard

Parte ng parada ang mga float kasama ang mga artista ng official movie entries ng film festival ngayong 2019.

Bandang 12:00 ng tanghali, magsisimula ang parada sa Lakeshore C-6, kumanan sa M.L Quezon Avenue, kumaliwa sa MRT Avenue, at kumanan sa Cuasay, kumanan sa CP Garcia (C-5) Service Road, saka kumaliwa sa Upper Mckinley Road, kumanan sa Lawton Avenue – 5thStreet, kumanan sa Mckinley Parkway, kumaliwa patungong 32nd Street, kumaliwa sa 7th Avenue, kumanan sa 26th Avenue, kumaliwa sa 5th Avenue, kumanan sa LeGrand Avenue at Chateau Road.

Samantala, papayagan naman ang counterflow vehicles sa mga sumusunod:
– Upper Mckinley Road mula C-5 hanggang Lawton Avenue
– Lawton – 5th Street mula Upper Mckinley hanggang Mckinley Parkway
– 32nd Avenue (mula Mckinley Parkway hanggang 7th Avenue)

Ipatutupad naman ang stop-and-go traffic scheme sa C-5 – Upper Mckinley, C-5 Service Road – Sampaguita bridge, Mckinley Parkway – 26th Avenue.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para hindi maabala.

Sinabi ng MMDA na muli namang bubuksan para sa mga motorista ang mga apektadong kalsada bandang 7:00 ng gabi.

Read more...