Pagkamit sa poverty incidence sa 2022, madali na – NEDA

By Chona Yu December 11, 2019 - 05:15 PM

Madali na para sa administrasyon na maiangat sa kahirapan ang mga Filipino sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Socioeconomic planning secretary Ernesto Pernia na maaring maibaba sa 10 hanggang 12 percent ang poverty incidence sa bansa sa taong 2022 taliwas sa original goal na 14 percent.

Ayon kay Pernia, makukuha na kasi ng administrasyon ang 14 percent poverty incidence sa susunod na taon.

Paglalarawan pa ni Pernia, mistulang “walk in the park” na lamang ang pagtugon sa kahirapan.

Inihalimbawa ni Pernia na para sa taong 2018 at 2019, umabot na sa 1.8 milyong trabaho ang nalikha ng pamahalaan.

TAGS: 2019 poverty incidence, 2022 poverty incidence, neda, poverty incidence, Sec. Ernesto Pernia, 2019 poverty incidence, 2022 poverty incidence, neda, poverty incidence, Sec. Ernesto Pernia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.