Walang oil spill sa pagsadsad ng oil tanker sa karagatang sakop ng Pangasinan – PCG
Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nangyaring oil spill sa pagsadsad ng isang oil tanker sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Coast Guard District Northwestern Luzon, walang anumang insidente ng oil spill na na-monitor sa lugar na pinagsadsaran ng M/V CHEMITEC malapit sa Patar beach.
Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, kargado ang naturang barko ng 15 milyong litro ng produktong petrolyo.
Galing umano ang MV Chemitec sa Brunei Darusalam at patungo sanang China nang mapadaan sa Bolinao, Pangasinan at sumadsad sa mababaw na parte ng dagat.
Sakay nito ang 20 tripulanteng Chinese at tatlong Myanman national.
Wala pang inilalabas na ulat ang mga otoridad kung gaano kalawak ang posibleng naging pinsala sa coral reefs ng pagsadsad nito sa lugar.
Itinuturing kasi na isang snorkling destination ang parteng ito ng Bolinao, Pangasinan dahil sa ganda ng mga corals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.