Konstruksyon sa Polloc Port, 100 porsyento nang tapos
By Angellic Jordan December 11, 2019 - 02:55 PM
Tapos na ang development project sa Polloc port sa Maguindanao.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 100 porsyento nang tapos ang development project kung saan inayos
ang installation ng rubber fenders at konstruksyon ng CHB Perimeter Fence.
Inaasahang makakatulong ang pantalan sa kalakalan sa Maguindanao.
Makakatulong din ito sa pagpapababa ng transport cost at mapapadali na ang pagbiyahe ng mga produkto sa Central Mindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, at ilang parte ng Lanao del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.