Mga bus na binigyan ng special permit handa nang maghatid ng mga pasaherong manonood ng SEA Games closing ceremony
May mga bus na masasakyan ang mga manonood sa closing cremony ng SEA Games patungong New Clark Athletic Stadium sa Capas, Tarlac.
Sa Trinoma Mall may mga bus na nagsimula nang bumiyahe patungong Clark kaninang alas 8:00 ng umaga.
Ang huling trip ng mga bus galing Trinoma ay alas 2:30 ng hapon. P300 ang one way na pamasahe sa bus.
May mga bus din na magsasakay mula sa Dau, Mabalacat City, PUV Common Terminal.
Ang huling biyahe ng bus ay alas 3:00 din ng hapon.
P130 naman ang pamasahe para sa bus at P150 kung tourist transport service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.