Mga bagong aplikante para maging motorcycle taxi isinailalim sa inspeksyon
Isinailalim na sa unang round ng inspeksyon ang mga bagong aplikante na nagnanais makabiyahe bilang Motorcycle Taxi.
Ang inspeksyon ay ginawa ng mga miyembro ng Inter-agency Technical Working Group (TWG) sa pamumuno ng chairman nito na si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Retired P/Maj. Gen. Antonio B. Gardiola Jr.
Kasama ni Gardiola ang mga kinatawan mua sa Land Transprtation Office (LTO) at InterAgency Council for Traffic (i-ACT)
Sa ginawang first round ng inspeksyon ay inalam ang operational readiness ng mga bagong aplikante.
Una nang sinabi ng TWG na planong palawigin ang pilot run ng implementasyon ng Motorcycle Taxi.
Ito ay habang pinag-aaralan ang posibleng pagpasok ng bagong players na nais ding bumiyahe bilang Motorcycle Taxi.
Sa ngayon kasi ang tanging opsyon ng publiko ay ang kasalukuyang nag-ooperate na Angkas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.