Medal of valor sa 2 SAF-44 members pirmado na ni PNoy

By Den Macaranas January 23, 2016 - 04:48 PM

SAF 44
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Malacañang na nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang conferment para sa Medal of Valor awards sa dalawang miyembro ng tinaguriang SAF 44.

Sinabi ni Communications Usec. Manuel Quezon III na inihahanda na ang programa para sa pagbibigay pugay sa mga napaslang na sina Senior Insp. Gednat Tabdi at P02 Romeo Cempron.

Si Tabdi ang team leader ng SAF unit na lumusob sa kuta ni Zulkipli Abdhir alyas Marwan at siya rin ang sinasabing pumutol sa hintuturo ng nasabing terorista.

Dahil naman sa kabayanihan ni P02 Cempron ay nabuhay at nakatakas sa gitna ng putukan laban sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front si P02 Christopher Lalan.

Ipinaliwanag ni Quezon na nilagdaan na rin ni Pangulong Aquino ang pagbibigay ng Medalya ng Kabayanihan o Distingushed Conduct Medal sa iba pang kasapi ng SAF 44. Sa Lunes, January 25, unang taong anibersaryo ng Mamasapano encounter, pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbibigay ng nasabing mga parangal.

Sa ilalim ng ating batas, ang isang Medal of Valor awardee o ang kanyang beneficiary ay tatanggap ng P20,000 lifetime monthly allowance mula sa pamahalaan.

May naghihintay rin na libreng pag-aaral at medical benefits para sa kanyang idineklarang beneficiaries.

 

TAGS: Malacañang, mamasapano, Medal of Valor, PNoy, saf 44, Malacañang, mamasapano, Medal of Valor, PNoy, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.