Mindanaoan solon umapela sa gobyerno na huwag hayaang mag-expire ang pondo para sa Marawi rehab
Umapela si House Deputy Speaker at Basilan Rep. Muijiv Hataman sa palasyo na huwag payagang mag-expire ngayong taon ang P4B Marawi rehabilitation funds at maibalik ito sa national treasury.
Ayon kay Hataman, sa pamamagitan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ay dapat gumawa ng paraan para magamit ang 2018 funds bago ito mag-expire ngayong katapusan ng disyembre .
Paliwanag ng kongresista kapag hindi umano nagamit ang nasabing pondo ay parang napagkaitan na rin ang mga biktima ng 2017 Marawi seige ng hustisya.
Iginiit pa ng kongresista na habang may magagawa pa ay i-save ang pondo at gamitin ito sa dapat paglaanan tulad ng pagpapabilis sa rekonstruksyon ng gumuhong siyudad ng Marawi.
Dahil dito pinag-aaralan na rin umano ng Mindanaoan solons ang posibilidad sa paghahain ng joint resolution na nanawagan para isuspinde ang procurement rules kaugnay sa hindi nailabas na pondo o palawigin pa ang expiration nito.
Base sa ulat lumalabas na sa P5.1B funds para sa Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP)sa national budget para sa 2018, ay 17% o P871.7 milyon ang nailalabas noong Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.