Hindi na pagsingil ng Maynilad at Manila Water sa bilyong pisong danyos welcome sa DOJ
Welcome development sa Department of Justice (DOJ) ang naging desisyion ng Manila Water at Maynilad na hindi na nito sisingilin sa pamahalaan ang kabuuang P10.8 billion na kabayaran na ipinag-uutos ng korte sa Singapore.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, bagaman nauna na ring sinabi ni Pangulong Duterte na hindi magbabayad ang pamahlaaan, isa itong positibong development.
Sinabi ng kalihim na dahil sa desiyon ng naturang water concessionaires, mawawala na ang tinatawag na potential liability mula sa books of account ng gobyerno.
Tiniyak din ng kalihim na matatanggal ang mga onerous provisions sa mga kontratang pinasok ng mga ito sa pamahalaan para hindi na rin maulit sa hinaharap.
Una nang sinabi sa pagdinig ng Kongreso ng dalawang opisyal ng naturang water concessionaires kanina na handa silang makipagtulungan sa gobyerno sa posibleng revisions sa kanilang concession agreements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.