HDO laban kay Ricketts

ricketts
Inquirer file photo

Nagpalabas na ng Hold Departure Order (HDO) ang Sandiganbayan laban kay Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts at apat na iba pa dahil sa kasong graft.

Kinasuhan ng graft si Ricketts at iba pang opisyal na sina Cyrus Paul Valenzuela, Manuel Mangubat, Joseph Arnaldo at Glenn Perez matapos ibalik ng mga ito ang mga nakumpiskang pekeng DVD sa manufacturer na Sky High Marketing Corporation.

Nabatid na taong 2010, aabot sa isandaang kahon ng mga pekeng DVD ang nakuha ng OMB sa mga Chinese national.

Dinala sa warehouse ng OMB ang mga nakumpiskang pekeng DVD subalit nailabas ito kahit na walang approved na gate pass. / Chona Yu

 

 

Read more...