Ika-71 anibersaryo ng International Human Rights sinalubong ng mga protesta
Ikinasa ang kaliwa’t kanang demonstrasyon sa paggunita sa ika-71 anibersaryo ng International Human Rights araw ng Martes.
Nagtipun-tipon ang mga progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila at Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.
Sa talumpati, sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na sa panahon ngayon ay tila delikado ang pagbatikos at ang pagkakaroon ng paninindigan.
Tinapos ang protesta sa Mendiola sa pamamagitan ng pagsunog sa effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag nila ang effigy na ‘halimaw sa cauldron’.
Sumisimbolo umano ang effigy sa tunay na sitwasyon sa paglabag sa kapatang pantao sa bansa.
LOOK: Pagsunog ng mga militanteng grupo sa Mendiola sa effigy ni Pangulong Duterte na tinawag nilang ‘halimaw sa cauldron’. Araw ng Martes ay ginugunita ang ika-71 anibersaryo ng International Human Rights | Kuha ni @gabhumilde820 pic.twitter.com/JD9BgvxtrE
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 10, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.