Duterte naaawa sa commuters dahil sa mabigat na trapiko sa EDSA
Nakisimpatya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga commuters dahil sa nararanasang kalbaryo ng mga ito kapag binabagtas ang EDSA.
Sa talumpati sa Rizal Hall ng Malacañang araw ng Martes, sinabi ng pangulo na naaawa siya sa commuters na talagang apektado ng matinding trapiko.
“Yung bago akong presidente, we realized the impact of the Edsa congestion on the lives of the people commuting. Alam mo sa totoo lang, hindi lang masabi-sabi na naawa talaga ako sa tao,” ayon sa pangulo.
Binanggit ng pangulo ang pribilehiyo na makasakay sa chopper para lamang makaiwas sa traffic.
“Alam mo hindi para sa atin eh kasi ako, mag-chopper ako kung ayaw ko ng traffic. And it’s not me who decides, ‘yung (it’s my) security guys,” ani Duterte.
Marami anya sa mga manggagawa ang nagugugol na ang oras sa lansangan dahil sa masikip na daloy ng mga sasakyan.
“‘Yung mga tao na mag-commute hanggang umaga. The average worker ng gobyerno o private, they go home at about 8 or 9 (p.m.). They ride the bus, ‘pag traffic it will take her to arrive something at 11 (p.m.) at any of the junctions there,” giit ng pangulo.
Dahil dito, inatasan ni Duterte ang mga ahensya ng gobyerno partikular ang Department of Transportation (DOTr) na maglunsad ng bagong mga hakbang para mabawasan man lang ang kabigatan ng daloy ng trapiko sa EDSA.
“Gentlemen, we have to innovate — that’s the word to replace invent, to innovate, how we can survive until the finish line when I shall end my term,” utos ng pangulo.
Magugunitang itinanghal ng traffic navigation app na ‘Waze’ ang Metro Manila bilang ‘worst place for drivers’ noong Setyembre.
Batay sa datos ng Waze, inaabot ang isang motorist ng 4.9 minutes sa isang kilometrong biyahe sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.