Robredo ilalabas ang kanyang drug war report sa Lunes

December 11, 2019 - 02:42 AM

Nakatakdang ilabas ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga nalaman at rekomendasyon ukol sa giyera kontra droga sa Lunes, December 16.

Sa isang ambush interview araw ng Martes, sinabi ng dating Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair na matatapos na ang kanyang report bukas, araw ng Huwebes.

Gayunman, nasa Basilan at Marawi umano siya sa mga natitirang araw ng linggong ito kaya sa Lunes pa niya mailalabas ang report.

“Yung ulat hinihintay lang natin matapos ‘yong SEA Games, matatapos siya on Thursday, pero nasa Basilan at Marawi kasi ako so probably sa Monday gagawin dahil wala ako the rest of the week.
Most probably Monday,” ani Robredo.

Una nang sinabi ng bise presidente na hihintayin niya ang pagtatapos ng 2019 Southeast Asian Games bago ilabas ang kanyang drug war report.

Nilinaw naman ni Robredo na walang pananakot sa kanyang panig sa nakatakdang paglalabas ng report.

Giit ng bis presidente, magbibigay lamang siya ng rekomendasyon upang ipakita na hindi niya sinayang ang 18 araw na pamumuno bilang ICAD-co chair.

“Ang atin lang, rekomendasyon para ipakita ko naman na hindi ko sinayang ang 18 days na binigay sa akin. Nakita niyo naman kung papaano ako nagtrabaho,” ani Robredo.

“Walang dapat matakot. Nakakatawa na parang ‘yung anticipation dito, nananakot ako. Wala naman tayong tinatakot,” dagdag nito.

Una nang hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bise presidente na ilabas nito ang kanyang mga nalaman sa drug war dahil tila nananakot ito.

“You seem to be threatening na may information ka, ilabas mo,” sabi ng pangulo sa panayam ng media sa Malacañang noong November 28.

Sinibak ni Duterte si Robredo sa pwesto noong November 24 dahil sa umano’y pakikipag-usap nito sa foreign groups.

TAGS: drug war report, Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair, recommendations on drug war, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, War on drugs, drug war report, Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair, recommendations on drug war, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.