Ito ay dahil sa isasagawang closing ceremony ng 2019 Southeast Asian Games mamayang alas-5:00 ng hapon sa New Clark Athletics Stadium sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Simula ala-1:00 ng hapon, ipapatupad ang Stop-and-Go traffic Scheme sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada.
Pinaiiwas ng MMDA ang mga motorista sa paggamit ng yellow lane.
Nasa 114 bus at iba pang sasakyan lulan ang mga delegado ng SEA Games mula sa iba’t ibang hotel sa Metro Manila ang sabay-sabay na tutungo sa Capas, Tarlac.
Pinayuhan ang mga motorista na magbigay daan sa convoy ng SEA games delegates.
Sinabi ng MMDA na ipoposisyon ang traffic personnel sa key areas ng Metro Manila para gabayan ang mga motorista at ang galaw ng convoy.