MMDA nagbabala ng mabigat na trapiko ngayong SEA Games closing; mga motorista pinaiiwas sa yellow lane

By Rhommel Balasbas December 11, 2019 - 02:16 AM

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng mabigat na trapiko na mararanasan sa EDSA at mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong araw, December 11.

Ito ay dahil sa isasagawang closing ceremony ng 2019 Southeast Asian Games mamayang alas-5:00 ng hapon sa New Clark Athletics Stadium sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Simula ala-1:00 ng hapon, ipapatupad ang Stop-and-Go traffic Scheme sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada.

Pinaiiwas ng MMDA ang mga motorista sa paggamit ng yellow lane.

Nasa 114 bus at iba pang sasakyan lulan ang mga delegado ng SEA Games mula sa iba’t ibang hotel sa Metro Manila ang sabay-sabay na tutungo sa Capas, Tarlac.

Pinayuhan ang mga motorista na magbigay daan sa convoy ng SEA games delegates.

Sinabi ng MMDA na ipoposisyon ang traffic personnel sa key areas ng Metro Manila para gabayan ang mga motorista at ang galaw ng convoy.

TAGS: 30th SEA Games closing ceremony, capas, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), New Clark City, Tarlac, yellow lane, 30th SEA Games closing ceremony, capas, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), New Clark City, Tarlac, yellow lane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.