Halaga ng pinsala ng Bagyong Tisoy sa bansa umabot na sa P5.4B
Pumalo na sa P5,449,764,293.88 ang halaga ng pinsala ng Bagyong Tisoy sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa anim na rehiyon sa bansa.
Ayon sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Martes, naitala ang mga pinsala sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at Eastern Visayas.
Kabuuang 394,754 ang bilang ng imprastakturang nagtamo ng sira.
Lima ang nasawi sa pananalasa ng bagyo at 322 ang naitalang sugatan.
Umabot sa 428,659 pamilya o 1,832,029 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa 3,257 baranggay.
Narito naman ang mga lugar na nagdeklara na ng state of calamity dahil sa pinsala ng bagyo:
– Batangas City
– Mabitac, Laguna
– Quezon
– Cavite
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro
– Marinduque
– Corcuera, Romblon
– Romblon, Romblon
– San Fernando, Romblon
– Northern Samar
– Lapinig, Northern Samar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.