Maine Mendoza ‘most-tweeted about’ celebrity ng Pilipinas ngayong 2019

Si Maine Mendoza pa rin ang reyna ng Twitter Philippines.

Ito ay matapos muling tanghalin si Mendoza bilang ‘most tweeted about’ celebrity sa bansa ngayong taon.

Sa press release ng Twitter Philippines, sinabi nitong isang magandang taon ang 2019 para kay Mendoza makaraang itampok sa sitcom, romantic film at bagong endorsements.

“2019 is a fruitful year for Maine, having starred in a sitcom, a romantic movie, and a handful of new endorsements under her belt,” ayon sa Twitter.

Matatandaang sumikat si Mendoza bilang YayaDub mula sa dating phenomenal love team na AlDub kasama si Alden Richards.

Pangalawa naman sa most tweeted about si Maymay Entrata na sinundan nina Kissed Delavin, Alden Richards, Edward Barber, Kathryn Bernardo, Lou Yanong, Donny Panglinan, Aljon Mendoza at ang FM radio station na MOR 101.9.

Samantala, bukod sa pagiging ‘most tweeted about’ celebrity, most-used hashtag din ngayong taon ang #MaineMendoza.

Read more...