WATCH: Plaza Miranda ‘tinanggalan ng libag’

By Rhommel Balasbas December 11, 2019 - 12:41 AM

MPIO/Mayor Isko’s FB page

Nagsagawa ng flushing operations at high-pressure cleaning ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Plaza Miranda, araw ng Martes.

Tinawag ito ni Manila Mayor Isko Moreno bilang ‘tanggal libag’.

Ito ay dahil mailalabas pa pala ang tunay na kulay ng tiles sa plaza sa pamamagitan ng high-pressure cleaners.

Ayon kay Moreno, katuwang ng Manila LGU sa paglilinis sa Plaza Miranda ang Karcher Inc., isang Germany-based cleaning company.

Ginagamit ng kumpanya ang high water pressure at steam upang magtanggal ng dumi sa mga istruktura.

Isinagawa ang operasyon bilang paghahanda sa Traslacion 2020 na gaganapin na sa susunod na buwan.

Samantala, nagsagawa rin ng flushing operations ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa Divisoria kahapon.

TAGS: flushing operations, Plaza Miranda, tanggal libag, Traslacion 2020, flushing operations, Plaza Miranda, tanggal libag, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.