Roxette singer Marie Fredriksson pumanaw na, 61

Matapos ang mahabang panahon ng pakikipaglaban sa sakit na cancer, pumanaw na sa edad na 61 ang singer ng sikat na Swedish Pop duo Roxette, na si Marie Fredriksson.

Ayon sa pahayag ng Dimberg Jernberg Management, handler ni Fredriksson, noong umaga ng Lunes, December 9 binawian ng buhay ang singer.

“It is with great sadness we have to announce that Marie Fredriksson of Roxette has passed away in the morning of Dec. 9, following a 17-year long battle with cancer,” ayon sa management.

Na-diagnose na may severe brain tumor ang singer taoong 2002 ngunit nagkaroon ng remission at nakabalik ito sa pagkanta taong 2010.

Pero 2016 nang payuhan ito ng kanyang mga doktor na ihinto ang mga tours at magpahinga.

Nabuo ang Roxette noong 1986 at kasama ni Fredriksson ang guitarist na si Per Gessle.

Kabilang sa pinakasikat na obra ng dalawa ay ang “It Must Have Been Love” na naging soundtrack ng Hollywoord rom-com na ‘Pretty Woman’ noong 1991 tampok sina Richard Gere at Julia Roberts.

Nagpasalamat si Gessle sa kanyang partner sa pagbibigay kulay nito sa kanyang mga kanta.

“You were an outstanding musician, a master of the voice, an amazing performer. Thanks for painting my black and white songs in the most beautiful colours,” ani Gessle.

Umabot sa higit 80 million albums sa ang nabenta ng pop duo sa buong mundo.

Read more...