Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Occidental, Martes ng gabi.

Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro sa 104 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 8:43 ng gabi.

May lalim ang lindol na 20 kilometers at tectonic ang dahilan.

Wala namang naitalang pinsala matapos ang pagyanig.

Tiniyak din ng ahensya na walang inaasahang aftershocks.

Read more...