P194-M halaga ng mga ilegal na droga, sinira sa Cebu

By Angellic Jordan December 10, 2019 - 07:18 PM

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7 (PDEA RO7) ang pagsira sa mahigit-kumulang P194 milyong halaga ng iba’t ibang ilegal na droga sa thermal facility ng Apo Cement Corporation sa Naga, Cebu araw ng Martes.

Ang mga ilegal na droga ay nakumpiska ng PDEA at Philippine National Police (PNP) mula sa mga ikinasang operasyon sa probinsya ng Cebu.

Kabilang sa mga sinira ang mahigit 27 na kilo ng shabu, 53 kilo ng marijuana, 559 milliliters ng Nalbuphine hydrochloride at 977 grams ng cocaine na may estimated market value na P194,221,005.75.

Sinira ang mga ilegal na droga gamit ang thermal decomposition o thermolysis.

Bago ito, dumaan muna ang mga ilegal na droga sa pagsusuri ng PDEA 7 chemists.

Nakasama ni PDEA 7 Dir. Wardley Getalla sa pagsisira ng mga ilegal na droga sina Cebu Province Gov. Gwendolyn Garcia, PRO 7 Regional Director Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, regional trial court judges sa probinsya, pamunuan ng Apo Cemex sa pangunguna ni president Ignacio Mijares, at iba pa.

Isinagawa ang pagsisira ng mga ilegal na droga kasabay ng panuntunan sa custody at disposition ng mga nasamsam na ilegal na droga sa ilalim ng Section 21, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.

Narito ang video ng pagsira ng mga ilegal na droga mula sa Facebook page ng Police Regional Office 7:

TAGS: Apo Cement Corporation, PDEA RO7, PNP, Apo Cement Corporation, PDEA RO7, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.