Davao City, Davao del Sur nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Davao del Sur, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 35 kilometers Northwest ng Davao City bandang 3:35 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang intensity 1 sa Davao City.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...