Stop-and-Go scheme, ipatutupad sa EDSA at iba pang kalsada para sa SEA Games closing ceremony
Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng stop-and-go scheme sa EDSA at iba pang kalsada sa Miyerkules, December 11.
Ayon sa MMDA, inaasahang pagbiyahe ng mga delegado at atleta ng 30th Southeast Asian (SEA) Games mula sa iba’t ibang hotel sa Metro Manila patungong New Clark Athletics Stadium.
Ito ay para sa isasagawang closing ceremony ng SEA Games.
Sinabi ng MMDA na simula 1:00 ng hapon, ipatutupad ang nasabing traffic scheme.
Gagamitin ng convoy ang yellow lane, flyover, at tunnel/underpass sa bahagi ng EDSA.
Narito ang mga apektadong kalsada:
EDSA Northbound:
– Entrance ng Ayala at Shaw Boulevard Tunnel/Underpass
EDSA Southbound:
– Pagkatapos ng Shaw at Ayala Underpass
Narito naman ang magiging ruta ng mga delegado:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.