Imbestigasyon ng Ombudsman sa hosting ng Pilipinas sa SEA Games, welcome sa Palasyo
Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang ginagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa umano’y korupsyon sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Ombudsman Samuel Martirez na bumuo na siya ng fact-finding panel para busisiin ang hosting ng SEA Games.
Ang Philippine Southeast Games Organizing Committee (PHISGOC) ay pinamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kahit na walang complainant, maaring magsagawa ang motu propio investigation ang Ombudsman.
Pero ayon kay Panelo, dahil sa abogado si Pangulong Rodrigo Duterte, bibigyan pa rin ng presumption of innocence ang sinuman na nadadawit sa anumang uri ng iregularidad hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.
“Well, you know President Duterte is a lawyer and we lawyers always give the presumption of innocence to everyone accused of any crime or irregularity. So until such time an evidence to the contrary is give n us or given the President, the same presumption of innocence is accorded to him or to anyone,” ani Panelo.
Nagbigay na rin aniya ng pahayag si Cayetano na welcome sa kanya ang imbestigasyon ng Ombudsman.
“I think the Ombudsman is responding to the reports of certain irregularities and that is the task of the Ombudsman, it can initiate on its own or moto propio investigate any complaint of irregularities even without a complainant complaining about it. And I think the Speaker Alan Cayetano welcomes it. He issued a statement on that effect,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.