Kylie Padilla, isinilang na ang ikalawang anak

Isinilang na ng aktres na si Kylie Padilla ang kaniyang ikalawang anak.

Gamit ang kaniyang Instagram account, inanunsiyo ni Kylie sa kaniyang mga tagahanga ang pagdating ng panibagong blessing sa kanilang buhay ng asawang si Aljur Abrenica.

Sa caption ng larawan, sinabi ni Kylie na papangalanan nila ang kanilang second baby na Axl Romeo Abrenica.

Isinilang si Baby Axl bandang 5:35 ng umaga, araw ng Lunes (December 9).

Unang isinilang ang kanilang panganay na si Alas noong August 2017.

Read more...