Martial law sa Mindanao hindi na palalawigin ayon sa Malakanyang

Inanunsyo ng Malakanyang na hindi na palalawigin pa ni pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na martial law sa Midnanao.

Sa December 31, 2019 ay matatapos ang pag-iral ng martial law sa rehiyon.

Ayon kay Presidendial Spokesperson Salvador Panelo, unanimous ang naging pasya ng AFP, PNP at National Security Officers na huwag nang palawigin pa ang martial law.

Paliwanag ni Panelo ang terorrismo at rebelyon sa Mindanao ay humina dahil sa pagkakaaresto o pagkasawi sa mga miymebro at lider ng mga teroristang grupo.

Bumaba na rin aniya ang crime index sa Mindanao Region.

Anumang banta sa Mindanao Region ayon kay Panelo ay na natutugunan ng pamahalaan.

Lunes ng gabi nang magkaroon ng joint PNP-AFP command conference sa Malakanyang.

Read more...