Panukalang magna carta for caregivers isasalang na sa plenaryo ng Kamara

By Erwin Aguilon December 10, 2019 - 11:40 AM

Sisimulan nang talakayin sa plenaryo ng Kamara ang panukala para sa pagbibigay proteksyon sa mga caregivers.

Sa inaprubahang substitute bill para sa welfare at protection ng mga caregivers dito man sa bansa o sa abroad Magkakaroon ng mahigpit na polisiya sa mga private employment agencies na nagha-hire ng mga caregivers sa pamamagitan ng paglilisensya at pag-regulate sa mga ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matiyak na ligtas at legal ang pinapasukang trabaho ng mga caregivers.

Pinatitiyak din dito na kailangang makakatanggap ng tamang sahod at nararapat na benepisyo ang mga ito.

Ipinasasailalim din sa pre-employment orientation ang mga caregivers at mga employers gayundin ang pagkakaroon ng kontrata upang malinaw ang karapatan at responsibilidad sa bawat isa.

Kinikilala ng panukala ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga caregivers sa national development ng bansa.

TAGS: caregivers, Department of Labor and Employment, House of Representatives, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, caregivers, Department of Labor and Employment, House of Representatives, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.