Lima patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Canada

By Den Macaranas January 23, 2016 - 08:24 AM

La loche canada
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na lima ang patay samantalang dalawa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang community school sa Saskatchewan Canada.

Sa inisyal na report ng mga pulis, isang lalaki na armado ng baril ang bigla na lamang pumasok sa La Loche Community School kung saan ay kasalukuyang nagka-klase ang halos ay 900 students mula kindergarten hanggang Grade 12.

Pagpasok sa compound ng paaralan ay bigla na lamang itong namaril at tinamaan ang ilang mga mag-aaral. Kaagad namang naaresto ang hindi pa pinapangalanang suspect at ayon sa mga opisyal ng pulisya ay ni-raid na rin nila ang bahay nito.

Ang Lo Loche Community School ay matatagpuan sa isang remote area sa Saskatchewan na tahanan naman ng mga katutubo sa Canada.

Kaagad na nangako ng tulong ang pamahalaan ng Canada sa mga kaanak ng mga biktima.

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang mga residente sa lugar dahil ngayon lang nangyari ang ganitong uri ng krimen sa naturang lugar.

 

TAGS: canada, La Loche, Trudeau, canada, La Loche, Trudeau

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.