Ito ay kasunod ng paggamit nila ng kantang “Manila” sa isa nilang video na ibinahagi sa Facebook nang walang pahintulot.
Sa kanilang official statement, nakasaad na hindi sinasadya ng tanggapan ang paggamit ng kantang “Manila” na sa kanilang pagkakaalam ay patungkol sa lungsod ng Maynila.
Ginamit ang naturang kanta bilang background music sa video ng ginawang pagpapailaw sa Jonse Bridge.
Aminado ang tourism office ng lungsod na tinawag ng grupong Hotdog ang kanilang atensyon dahil sa insidente.
Binura na ang naturang video sa facebook page ng Manila Tourism office.
Nag-post na lamang ng drone shots ng Maynila na walang audio na may @hastag na #BagongMaynila, #SimplyNoPlaceLikeManila at #ManilaImComingHome.