Pang-150 na hinihinalang nasawi sa Dengvaxia nawawala ang internal organs
Kinumpirma ng Public Attorney’s Office (PAO) na nawawala ang internal organs ng ika-150 hinihinalang namatay dahil aa Dengvaxia.
Dahil dito sinabi ni Dr. Erwin Erfe, pinuno ng PAO Forensic Team na pansamantala nilang tinigil ang forensic examination sa labi ng dose anyos na batang babae.
Una nang kinumpirma ni Dr. Erfe na tatlong beses na naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine ang naturang biktima
Binawian ng buhay ang nasabing dose anyos na biktima nitong nakalipas na Marso
Nanindigan naman si PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na tuloy ang kanilang pagtulong sa aniyay mga biktima ng Dengvaxia
Sa harap ito ng sinasabing pag-ipit sa budget ng PAO Forensic Laboratory nina Senador Franklin Drilon, Sonny Angara at Rep. Janette Garin na isa sa mga pangunahing respondents sa mga kasong isinampa ng PAO laban sa mga nasa likod ng anti-dengue vaccine program ng Department of Health.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.