Ceasefire sa rebeldeng grupo hindi irerekomenda ng DILG ngayong Christmas season

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2019 - 08:49 AM

Hindi irerekomenda ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pagdedeklara ng ceasefire sa mga makakaliwang grupo ngayong Christmas Season.

Ayon kay Año, kung tatanungin siya ni Pangulong Duterte hinggil sa posibleng ceasefire ay hindi niya ito irerekomenda.

Welcome naman aniya sa pamahalaan kung ang mga komunista ay magpapasyang magbalik-loob sa gobyerno.

Ayon sa kalihim, may mga benepisyong inilalaanan ang gobyerno para sa mga rebeldeng nagbabalik-loob.

Una rito, sinabi rin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi siya magrerekomenda ng ceasefire sa Communist Party of the Philippines (CPP).

TAGS: ceasfire, Christmas ceasefire, DILG, new people's army, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, ceasfire, Christmas ceasefire, DILG, new people's army, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.