AFP at PNP dapat tiyaking mababawi ang trilyon pisong ninakaw ng Maynilad at Manila Water – Pangulong Duterte
Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na huwg pumayag na hindi mabawi ng bayan ang aniya’y ninakaw ng Maynilad at Manila Water.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa mga bagong promote na opisyal ng PNP at AFP, sinabi nito na isa sa mga pressure group sa demokrasya ang mga pulis at sundalo.
Bukod sa mga pulis at sundalo sinabi ng pangulo na kanilang rin sa pressure group ang kongreso.
Sa tantya ng pangulo, trilyong piso na ang nakukuha ng Maynilad at Manila Water dahil sa ipinasa sa taong bayan ang pagbabayad ng corporate income tax.
Una rito, sinabi ng pangulo na hindi siya makikipag-areglo sa Maynilad at Manila Water.
Sinisingil ng dalawang water concessionaire ang pamahalaan ng mahigit sampung bilyong piso bilang bayad sa danyos dahil sa pakikialam sa water rate adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.