Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – National Capital Region (LTFRB-NCR) ang Provisional Authority (PA) sa 31 modern PUV units para makabiyahe ng San Juan at Pasig City.
Abg mga mdernong PUV ay bibiyahe sa rutang San Juan – Rosario (Pasig) at pabalik sa ilalim ng San Juan – Rosario Transport Service Cooperative (SANRO Transport).
Isinagawa ang ceremonial handover na dinaluhan ni San Juan Mayor Francis Zamora.
Ayon sa DOTr, ang 31 modern PUV units ay nakatugon sa itinatakdang requirements ng PUV Modernization Program ng pamahalaan sa ilalim ng Omnibus Franchise Guidelines (OFG) at Philippine National Standards (PNS).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.