Abra De Ilog, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Abra De Ilog sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Naiatala ang lindol sa layong 15 kilometers northwest ng Abra de Ilog, alas 6:39 ng umaga ng Martes, Dec. 10.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 117 kilometers.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...