Water level ng Angat dam bahagya pang nadagdagan

Nadagdagan pa ng kaunti sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Dec. 10, 2019 ay 195.83 meters ang water level ng dam.

Nadagdagan din ng kaunti ang water level sa La Mesa dam na nasa 77.69 meters.

Bahagya namang nabawasan ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.81 meters.

Nabawasan din ng bahagya ang antas ng tubig sa San Roque, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang water lecel ng Ambuklao, Binga at Pantabangan dams.

Read more...