Pagpapabiyahe sa mga motorcycle taxi posibleng palawigin; target buksan para sa bagong players
Posibleng palawigin ang ipinatupad na pilot implementation para sa motorcycle taxi o habal-habal gaya ng Angkas.
Ayon sa inter-agency Technical Working Group (TWG) on motorcycle taxis, ikinukunsidera nila ang anim na buwang extension Motorcycle Taxi Pilot Implementation.
Ito ay para mapag-aralan kung maaring payagan ang pagpasok ng bagong players.
Sa December 26, 2019 ay nakatakdang matapos ang pilot implementation ng motorcycle taxis.
Binuo ng Department of Transportation (DOTr) ang TWG para pag-aralan ang posibilidad na magamit ang motorsiklo bilang public transportation at kung ligtas ba itong gamitin.
Ayon kay TWG Chairperson at LTFRB Board Member Retired P/Maj. Gen. Antonio B. Gardiola, sa kasagasagan ng pagpapalawig ng implementasyon ay magkakaroon sila ng pagkakataon na pag-aralan kung pwedeng payagan ang pagkakaroon ng bagong motorcycle taxi providers.
Ito ay para mabigyan ng wider choice ang riding public.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.