3 kabilang ang isang sanggol sugatan sa bumagsak na water tank sa Legazpi City

By Rhommel Balasbas December 10, 2019 - 05:35 AM

PHOTO COURTESY: Brgy. Kagawad Mhel Montenegro

Sugatan ang tatlo katao kabilang ang isang bagong silang na sanggol matapos bumagsak ang isang tangke ng tubig sa Rosmont Heights Subd., Brgy. Estanza, Legazpi City, bandang alas-7:40 ng gabi ng Lunes.

Ayon kay Brgy. Chairwoman Josephine Balozo, posibleng humina ang pundasyon ng tangke dahil sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Sira ang ilang bahay dahil puno ng tubig ang bumagsak na tangke.

Natangay din ang isang nakaparadang kotse dahil sa pagragasa ng tubig.

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang mga nasugatan at maswerte namang hindi gaanong nagtamo ng pinsala ang sanggol kaya’t idineklara na itong ligtas.

Umaapela ngayon ng tulong sa developer ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente.

Bukod sa pinsala sa kanilang mga bahay, problema rin kung saan ngayon kukuha ng tubig ang mga residente.

TAGS: Bicol, Legazpi City, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, water tank, Bicol, Legazpi City, News in PH, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, water tank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.