Tail-end of a cold front magpapaulan sa Bicol region, Quezon, Samar provinces

Walang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na makaaapekto sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail-end of a cold front at northeast monsoon pa rin ang weather systems na umiiral sa bansa.

Dahil sa tail-end of a cold front, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Quezon at Samar provinces.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan.

Sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Aurora maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan dahil sa Amihan.

Umiihip na rin ang Amihan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ngunit wala itong masamang epekto.

Sa Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Aurora
– Eastern coast ng Quezon kasama ang Pollilo Islands
– Camarines Norte
– Northern at eastern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northern at eastern coast ng Northern Samar

Read more...