Rollback sa pasahe sa jeep, di na kailangan ng matrix – LTFRB

MOTORING/SEPTEMBER 9,2012 LPG JEEPNEY (MOTORING) ARNOLD ALMACEN/INQUIRER
ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan pa ng matrix para ipatupad ng mga jeepney drivers ang .50 sentimos na kaltas sa pamasahe ng jeep.

Nakatanggap kasi ng reklamo ang LTFRB mula sa mga pasahero nang sila ay mag-ikot ikot sa mga terminals na may mga driver na hindi pa rin nagbibigay ng tamang sukli sa kanila ngayong P7.00 na lang ang pamasahe.

Giit umano kasi ng mga driver, kailangan muna ng matrix bago nila ipatupad ang rollback sa pamasahe.

Ngunit paliwanag ni LTFRB board member Ariel Inton, oras na mailathala na ito sa mga pahayagan, hindi na kailangan pa ng matrix, dahil ito aniya ang nakasaad sa patakaran.

Hinimok naman ni Inton ang mga pasahero na isumbong sa LTFRB ang mga drayber na tatangging magpatupad ng rollback sa pasahe.

Read more...